Tatanggap si boxing legend at dating senador Manny Pacquiao ng honorary doctorate sa Physical Education at Sports mula sa Philippine Normal University o PNU.

Inanunsyo ng PNU ang conferment, na gaganapin sa Quadrangle ng kanilang Manila campus.

Ayon sa unibersidad, higit pa sa mga panalo sa boxing ang naging ambag ni Pacquiao sa Philippine sports, dahil nagsilbi rin umano siyang halimbawa na maaaring magmula sa simpleng buhay ang tagumpay.

Binigyang-diin din ng PNU ang naging papel ni Pacquiao sa pagbibigay ng global recognition sa Philippine sports at pagiging inspirasyon sa maraming Pilipino.

Ang parangal ay Doctor in Physical Education and Sports, Honoris Causa, bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon at sa transformative power ng sports.

-- ADVERTISEMENT --