
Ipinahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na bababa ang overall transmission rates ngayong Hunyo, na makikita sa electric bill ng mga konsumer sa Hunyo 2026.
Ayon sa pahayag ng NGCP, P0.56 per kilowatt-hour lamang ang sisingilin para sa delivery ng kanilang serbisyo.
Paliwanag ng NGCP, ang pagbaba ng singil ay dulot ng mas mababang transmission wheeling charges, na tumutukoy sa bayad para sa paghahatid ng kuryente mula sa mga power plant patungo sa distribution utilities.
Bukod dito, bumaba rin ang ancillary services rates, o gastusin para sa pass-through services mula sa reserve market at iba pang provider na may kontrata sa NGCP.
Ang hakbang na ito ay inaasahang magbibigay ng ginhawa sa mga consumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at kuryente sa bansa.








