
Inanunsyo ng Energy Regulatory Commission na suspendido muna mula May hanggang July 2026 ang pag-disconnect ng kuryente sa residential at non-residential consumers na hindi makakabayad ng kanilang bill sa takdang oras.
Pinayagan din ng ERC ang hulugang pagbabayad ng electric bills nang hanggang tatlong buwan para sa mga kabahayang may konsumo na hindi lalampas sa 200 kilowatt-hour kada buwan upang makatulong sa gitna ng tumataas na presyo ng enerhiya.
Ayon sa ahensya, pansamantalang sasagutin muna ng mga power generator ang bahagi ng bayarin ng distribution utilities habang ipinatutupad ang polisiya na kaugnay ng epekto ng sigalot sa Middle East sa pandaigdigang presyo ng kuryente.










