Nagbabala ang Fitch Ratings na maaaring maapektuhan ang loan quality ng mga bangko sa Pilipinas kung magpapatuloy ang tensyon sa Gitnang Silangan at mananatiling mataas ang presyo ng langis.

Ayon sa sa ahensya, posible ring ma-pressure ang mga bangko dahil sa posibleng paghina ng kakayahan ng mga borrower na magbayad ng utang, lalo na kung maaapektuhan ang remittances mula sa Gulf at gastusin ng mga pamilyang Pilipino.

Sinabi rin ng ahensya na ang mas mataas na exposure ng mga bangko sa retail at consumer loans ay maaaring magdulot ng mas mataas na risk sa asset quality, lalo na kung magpapatuloy ang economic stress sa ikalawang bahagi ng taon.

Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lumago ng 9.5% ang outstanding loans ng malalaking bangko noong Pebrero, umabot sa P14.3 trilyon, na bahagyang mas mataas kumpara noong Enero.

Samantala, umabot na sa 4.1% ang inflation noong Marso, pinakamataas sa loob ng 20 buwan at lagpas sa target range ng BSP.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang sinabi ng mga analyst na maaaring bumagal ang credit growth dahil sa pagtaas ng presyo ng langis at mas maingat na pagpapautang ng mga bangko upang maiwasan ang pagdami ng hindi nababayarang utang.

kahit hindi pa ito itinuturing na agarang krisis, posibleng lumabas ang epekto nito sa loan performance ng mga bangko sa mga susunod na buwan.