
Desperado ang ilang Chinese na yumaman, kaya naman ginagawa ang lahat para matupad ang kanilang pangarap at ipinauubaya nila ito sa “bank soil” na ibinebenta online na sa kanilang paniniwala ay ito ang magbibigay sa kanila ng swerte.
Karaniwan na ang ninanakaw ng mga kawatan ng mga bangko ay cash o gold ingots, subalit maraming bangko sa China ang kamakailan ay naging target ng kakaiba na pagnanakaw, kung saan ang kinukuha ay ang lupa mula sa mga halaman o ang lupa sa palibot ng gusali.
Maraming online shops sa China ang nagbebenta ng maliliit na supot ng “bank” soil para sa talismans para mabilis umanong yumaman, kung saan ito ay nagkakahalaga ng 888 yuan o $120, at patuloy na lumalaki ang demand para sa nasabing produkto.
Maraming sellers ang nagyayabang na “999.999” percent na success rate para yumaman sa pamamagitan ng nasabing lupa.
Ayon sa isang website, ang apat na uri ng bank soil na kanyang naibenta ay kinolekta mula sa apat na major banks, Bank of China, Industrial and Commercial Bank of China, Agricultural Bank of China, China Construction Bank, and Bank of Communications, at pinaniniwalaan na may kapangyarihan ito para madagdagan ang yaman ng isang tao.
Kinukutya ang nasabing trend sa Chinese social media, subalit ang katotohanan na maraming sites ang nagbebenta ng bank soil ay patunay na may malaking merkado para dito.
Ayon sa buyer na hindi nagpakilala, sila ay business owner at umaasa sila na madagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng nasabing bank soil, at idinagdag pa niya na marami sa kanilang kaibigan ang bumili nito.
Kumakalat na online ang clips ng mga tao na naghuhukay ng lupa mula sa damuhan sa labas ng maraming bangko at ibinabalot ang mga ito sa maliliit na supot, subalit nanganganib ang mga ito na maakusahan ng pagsira ng public property.