
Kinuwestiyon ang ilang farm-to-market road projects sa panukalang 2027 budget ng Department of Agriculture (DA) matapos matuklasang nasa dagat ang nakatalang coordinates ng mga ito.
Kabilang dito ang ₱23-milyong proyekto sa Nueva Ecija na may coordinates sa Benham Rise, ₱30-milyong proyekto sa Cebu na nasa Celebes Sea, at ₱55-milyong proyekto sa Quezon na nakaturo sa karagatang malapit sa Brunei.
Ayon kay Kenneth Abante ng People’s Budget Coalition, kailangan pang suriin ang mga coordinates at dokumentasyon ng mga proyekto.
Natukoy rin ng grupo ang 355 bagong farm-to-market road projects na nagkakahalaga ng halos ₱6 bilyon na idinagdag umano sa panukalang budget ng Kamara kahit wala ang mga ito sa National Expenditure Program.
Nagbabala si Abante na maaaring maulit ang kontrobersiya sa mga flood-control project kung hindi maayos na masusuri ang mga naturang dagdag na proyekto.
Samantala, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na may mga proyektong magkakapareho ang pangalan ngunit magkaiba ang coordinates, gayundin ang mga proyektong may parehong coordinates na lumilitaw sa magkakaibang taon.
Hinimok nila ang DA na repasuhin ang mga kahina-hinalang detalye bago aprubahan ang budget.







