TUGUEGARAO CITY- “Back-up’ system” o malapit sa alkalde, ang ilan sa mga dahilan kung bakit may mga hotel owners ang hindi pinapa-accredit ang kanilang negosyo.
Ibig sabihin nito, ayon kay Fanibeth Domingo ng DOT-Region 2, kulang sa ilang dokumento tulad ng environmental clearance ang hotel na dumaan sa ganitong hakbang.
Aniya, mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang himpilan ang ganitong pamamaraan dahil ito ay hindi dumaan sa tamang proseso para makapag-operate.
Dahil dito, nagbabala ang DOT sa mga pasaway na hotel owners na magpa- accredit dahil may karampatang multa ang kahaharapin ng mga ito.
-- ADVERTISEMENT --
Paliwanag nito na mas madaming benipisyo ang isang hotel na nagpapa-accredit sa DOT.