Dumating na sa Pilipinas ang mga magulang ng yumaong Ateneo student-athlete na si Divine Adili, at nakatakda silang manood sa unang dalawang laro ng Blue Eagles sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament.

Lumapag sina Elias at Ifeoma Adili mula Nigeria sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong alas-10 ng gabi nitong Linggo.

Ayon kay Ifeoma, naging maayos at tahimik ang kanilang biyahe papunta sa Pilipinas.

Inaasahang makakasama ng mag-asawa ang Ateneo community at men’s basketball team sa mga susunod na araw.

Nais din umano nilang maging makabuluhan ang kanilang unang pagbisita sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Namatay sina Divine at incoming rookie Rene Baterbonia sa isang insidente ng pagkalunod habang nasa team-building activity ng Blue Eagles sa Aurora noong Hunyo.

Iniaalay ng Ateneo ang kanilang kampanya sa UAAP Season 89 sa alaala nina Divine at Baterbonia.