Mas pinalapit ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga serbisyong panlipunan at suporta sa kalusugang pangkaisipan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Croatia.

Isinagawa ang mga serbisyo sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan Handog ng Pangulo sa Split noong Setyembre 23 at 24, at sa Zagreb noong Setyembre 26 at 27.

Nagbigay ang mga social worker ng paunang tulong sa mga OFW na nangangailangan ng suporta at nagsagawa rin ng indibidwal na konsultasyon upang matukoy ang kanilang mga pangangailangan.

Kabilang sa mga serbisyong inialok ang tulong para sa mga solo parent, kabuhayan, mga menor de edad na bibiyahe sa ibang bansa, at ayuda para sa mga indibidwal na nasa krisis.

Isinagawa rin ang pagsubok sa Solo Parent Unified ID System na layong mapadali ang pagkuha ng mga serbisyo ng mga OFW na may pamilyang pinamumunuan ng isang solo parent.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa DSWD, bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na mailapit ang mga serbisyo sa mga Pilipino kahit nasa ibang bansa.