Lumobo ng 50 porsiyento ang bilang ng mga Pilipinong nag-aaral sa United States sa nakalipas na isang dekada, ayon sa opisyal ng US Embassy.

Mula sa tinatayang 3,000 estudyante 10 taon na ang nakalilipas, umabot na sa halos 4,500 ang bilang ng mga Pilipinong nag-aaral sa US ngayong 2025.

Ayon kay Jessica Simon, nananatiling bukas ang student visa appointments para sa mga nais mag-aral sa Amerika.

Sinabi rin ni Simon na hindi gaanong naapektuhan ng pandaigdigang hamon sa ekonomiya ang interes ng mga Pilipinong estudyante na mag-aral sa ibang bansa.

Dagdag pa niya, patuloy na naghahanap ng oportunidad sa abroad ang maraming estudyante sa kabila ng mga umiiral na kawalan ng katiyakan sa ekonomiya at edukasyon sa iba’t ibang panig ng mundo

-- ADVERTISEMENT --