May paalala ngayon ang iba’t ibang himpilan ng pulisya sa publiko kasunod ng pagkalat sa social media ng mga AI-generated images na nagpapakitang nakasuot ng police uniform ang isang tao kahit hindi naman talaga siya police officer.

Ayon sa PNP, maaaring gamitin ang AI para sa creative, educational o entertainment purposes, pero hindi ito dapat gamitin para manlinlang, manloko o magpanggap bilang isang tunay na pulis.

Maaari kasing magdulot ng maling impresyon sa publiko ang paggamit ng police uniform, insignia, identification at iba pang official marks sa mga naturang larawan.

Babala pa, maaaring magkaroon ng pananagutan sa ilalim ng batas ang iligal na paggamit ng uniporme o insignia ng pulis, depende sa sitwasyon at layunin ng paggamit.

Sa huli, ayon sa PNP, ‘stop, check and think’ bago gumawa o magbahagi ng AI-generated images.

-- ADVERTISEMENT --