
Ipinaliwanag nitong Linggo ni Kristina Conti, isang abogado na kinikilala ng International Criminal Court (ICC) at kumakatawan sa mga biktima ng war on drugs, na ang mga witness ay mahigpit na pinoprotektahan ng korte na nakabase sa The Hague upang matiyak na ang indibidwal ay makababalik sa kanilang normal na buhay kahit matapos silang magtestigo.
Ngunit ito ay “limited” dahil ito ay “forever,” hindi katulad ng mga protection program sa witness na ibinibigay ng Estados Unidos kung saan binibigyan ang mga saksi ng mga bagong pagkakakilanlan (identities).
Sinabi ni Conti na ang hindi paglalabas ng impormasyon tungkol sa mga witness ay isang matalinong desisyon upang maiwasan ng kapulungan na mabulabog ng mga espekulasyon.
Ang kapulungang binubuo ng tatlong miyembro ay kinabibilangan nina Hukom Iulia Motoc, Reine Alapini-Gansou, at María del Socorro Flores Liera.










