TUGUEGARAO CITY- Mariing pinabulaanan ng 17th Infantry Battalion na may dinukot ang mga sundalo na mga residente sa Sto. Niño, Cagayan.
Tinawag ni Lt. Allen Tubujan, information officer ng 17th IB na sinungaling ang inilabas na press release ng nagpakilalang Easter Falcon na grupo umano ng New People’s Army laban sa kanilang hanay.
Sinabi ni Tubojan na nagsagawa sila ng pagpapatrolya sa Lagom, Lipatan matapos na makatanggap ng impormasyon ng presensiya ng NPA.
Dito umano nakausap umano nila si Francin Solanso na umamin na siya ay milisya ng bayan.
Bukod dito, may nakita rin silang isang sako sa labas ng bahay ni Solanso na naglalaman ng m16 rifle.
Sinabi ni Solanso na iniwan lang umano ng rebeldeng grupo ang nasabing baril sa kanya.
Dahil dito, sinabi ni Tubojan na walang katotohanan ang pahayag ng Easter Falcon na dinukot at tinamnan ng baril si Solanso.
Pinabulaanan din ni Tubojan na dinukot din ng 17th IB at mga pulis ang iba pang residente na sina Nestor, 78, mag-asawang Joey at Gemma Senuguesa, Francisco Bayaua at Rodel Guzman.
Ayon sa kanya, ang mga nasabing residente ay ang mga binanggit ni Solanso na mga kasama niya na sumusuporta sa rebeldeng grupo sa kanilang lugar.
Idinagdag pa ni Tubojan na sa kanilang pagtatanong pa kay Solanso na galit na rin ang ilang residente sa rebeldeng grupo dahil sa pilit silang hinihingan ng tulong tulad ng ng pagkain at iba pa subalit wala silang magawa dahil sa takot dahil sa banta ng grupo.