
Nagbabala si Philippine Coast Guard spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na maaaring makumpleto ng China ang tinatawag na iron triangle nito sa West Philippine Sea kung militarisahin ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ayon kay Tarriela, ang Bajo de Masinloc na lamang ang natitirang bahagi ng estratehikong tatsulok na binubuo ng Paracel Islands, Spratly Islands at Scarborough Shoal.
Sinabi ni Tarriela na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa freedom of navigation ang pagtatayo ng pasilidad militar ng China sa shoal, lalo na dahil malapit ito sa Bashi Channel.
Binalaan din niya na maaaring gamitin ang naturang presensya upang subaybayan o hadlangan ang paglalayag sa lugar.
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang Chinese Embassy sa Manila kaugnay nito.
Ang Bajo de Masinloc ay nasa 124 nautical miles mula sa Masinloc, Zambales at nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone ng Pilipinas.










