Milyun-milyong katao ang dumagsa sa Iceland at northern Spain upang masaksihan ang unang total solar eclipse sa Europe matapos ang 27 taon.

Inaasahang aabot sa anim na milyon ang mga bisitang tutungo sa mga lugar na dadaanan ng eclipse sa hilagang bahagi ng Spain at Balearic Islands.

Nakaalerto naman ang mga awtoridad dahil kasabay ng eclipse ang matinding heatwave na nagpapataas sa panganib ng wildfire. Tinatayang 25,000 pulis at halos 100 eroplano at helicopter ang itinalaga para sa seguridad at pagtugon sa mga insidente.

Sa Iceland, tinatayang nasa 80,000 turista ang inaasahang dumating upang mapanood ang eclipse, habang umabot naman sa 2 minuto at 13 segundo ang maximum na tagal ng totality sa pinakakanlurang bahagi ng bansa.

Samantala, nagsagawa rin ng mga siyentipikong pag-aaral ang NASA at iba pang research teams upang pag-aralan ang epekto ng biglaang pagdilim at pagbaba ng temperatura sa atmosphere.

-- ADVERTISEMENT --