Nagdulot ng malawakang pagkaantala sa transportasyon at iba pang pampublikong serbisyo sa Spain ang unang general strike sa loob ng 14 na taon, bunsod ng panawagan ng mga pangunahing labor union laban sa mataas na presyo ng pabahay at patuloy na pagtaas ng cost of living.

Libo-libong manggagawa at demonstrador ang nagmartsa sa Madrid, Barcelona at iba pang lungsod upang igiit ang abot-kayang pabahay at mas maayos na pamumuhay.

Ayon sa mga lider ng labor union, malaki ang naging partisipasyon sa welga, bagama’t sinabi naman ng grupo ng mga negosyante na mababa at hindi pantay ang turnout sa iba’t ibang sektor.

Nagkaroon din ng pagsasara ng ilang pangunahing kalsada at pag-aresto sa ilang indibidwal dahil sa magkakahiwalay na insidente.

Naganap ang welga mahigit dalawang linggo bago ang nakatakdang parliamentary elections sa Nobyembre 29.

-- ADVERTISEMENT --