Makakabili na ang minimum wage earners ng P20 per kilogram subsidized rice kasabay ng paglulunsad ang Department of Agriculture (DA) and the Department of Labor and Employment (DOLE) ang nationwide rollout ng inisyatiba para sa nasabing sektor.

Matatandaan na inihayag ng DA at Dole nitong buwan ng Mayo ang kanilang partnership para isama ang minimum wage earners sa pilot run ng mas murang rice program.

Ayon sa DOLE, halos 120,000 minimum wage earners mula sa 500 establishments sa buong bansa ang unang makikinabang mula sa DA-DOLE partnership, at inaasahan na tataas pa ito sa pagsali ng maraming kumpanya sa nasabing programa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi lamang ito tungkol sa bigas kundi ito ay tungkol sa dignidad.

Ayon sa kanya, ipinapatupad nila ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na abot-kayang bigas sa ngayon, at susundan ito ng self-sustaining sa hinaharap sa pamamagitan ng agricultural modernization.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang pagpapalawak ng programa para isama ang minimum wage earners ay makakatulong para lalo pang maisulong ang hangarin ng administrasyon na suportahan ang pinaka-vulnerable sectors.