
Hindi magkamayaw sa tuwa ang maraming Pilipino matapos na makapasok sa Top 12 sa Miss Universe 2025 sa Thailand ang pambato ng bansa na si Ahtisa Manalo.
Kabilang ang 28-year-old beauty queen sa semifinalists sa prestihiyosong beauty pageant, na kokoronahan ang susunod na Miss Universe kasunod ni Victoria Kjaer Theilvic ng Denmark.
Unang nakapasok sa Top 30 si Manalo at umabante siya sa Top 12, kung saan maraming ang humanga sa kanyang swimsuit walk, dahil sa kanyang poise, confidence at elegance sa international stage.
Ang iba pang delegado na pasok sa Top 12 ay ang mga sumusunod:
Chile
Colombia
Cuba
Guadeloupe
Venezuela
Mexico
Puerto Rico
China
Thailand
Malta
Cote D’Ivoire
Kung mananalo si Ahtisa, siya ang magiging panglima na Filipina na mag-uuwi ng Miss Universe crown.
Ang huling napanalunan ng bansa ang nasabing titulo ay noong 2018, nang makuha ni Catriona Gray ang korona noong 2018 sa Thailand.










