
Ilulunsad ang isang mobile soil laboratory sa unang quarter ng taon upang magsagawa ng onsite soil testing at pagsusuri sa mga rural na lugar sa sa Ilocos Region.
Ayon kay Aileene Millare, regional soil laboratory chemist ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 1, tinatayang 2,000 magsasaka ang makikinabang mula sa serbisyong ito.
Aniya, tatlong production areas ang makikinabang kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.
Ayon sa DA, makakatulong ang updated na mapa upang mas maayos gamitin ang abono at mapabuti ang kalusugan ng lupa.
Bahagi ito ng national soil health program ng DA na ipinatutupad sa pamamagitan ng Bureau of Soils and Water Management, na naglalayong pabutiin ang kalidad ng lupa at itaguyod ang produktibidad sa agrikultura.
Sinusuri ng mobile laboratory ang soil chemistry, physcial structure, microbiology, at kalidad ng tubig, at nagbibigay ng tukoy na rekomendasyon sa uri, dami, at tamang timing ng abono sa pamamagitan ng soil health reports at soil cards.
Sa kasalukuyan, ang mobile soil laboratory ay nasa Pangasinan, kung saan isinasagawa ang sampling, testing, at capacity-building activities ng mga eksperto.










