Bumalik ang tinawag na monster ship ng China Coast Guard sa West Philippine Sea kaninang umaga.

Ito ay sa gitna ng kasalukuyang pulong ng mga opisyal ng bansa at Beijing.

Sinabi ni West Philippine Sea monitor Ray Powell na ang CCG vesse na may hull number 5901 ay nakita sa Ayungin Shoal at patungo umano sa Mischief Reef.

Ayon sa kanya, ipinadala ng China ang nasabing barko sa Ayungin shoal kasabay ng ginagawang bilateral consultation mechanism o BCM.