
Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang blurred mugshots ni dating senator Ramon Bong Revilla Jr. matapos na sumuko kasunod ng paglabasng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa umano’y P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Sa press conference, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang special treatment na ibinigay kay Revilla matapos na hindi agad inilabas sa media ang kanyang mugshot.
Iginiit ni Remulla na wala siyang balak na itago ang mugshot.
Ayon sa kanya, mabilis noon ang pangyayari nang sumuko si Revilla, at hatinggabi ito nangyari.
Matatandaan na sumuko si Revilla noong gabi ng Lunes sa PNP-CIDG matapos na maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya at sa iba pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kasong malversation.










