Nagawa ni Nadia Montenegro, 52 years old na matapos ang ilang linggo na matinding training at nagtapos bilang bahagi ng Basic Citizen Military Course (BCMC) Class 10-2024.

Kabilang ang aktres at ina ng walong anak sa 48 individuals na nagtapos at isa ng official reservists sa seremonya na isinagawa ngayong araw na ito.

Sinabi ni Montenegro na walang limitasyon kung gusto mong magsilbi at may puso na magsilbi.

Hinikayat niya ang lahat na gawin ang kanilang parte dahil ito ang panahon na kailangan ang lakas at pagsasama-sama para sa ating bayan.

Nagtatrabaho si Montenegro bilang political affiars officer sa tanggapan ni Senator Robin Padilla.

-- ADVERTISEMENT --

Dumalo din sa seremonya si Padilla, reserve lieutenant colonel sa Philippine Army na pinuri ang mga bagong reservists at hinikayat sila na maging simbolo ng mga kabataan para mahikayat din ang mga ito na maging bahagi ng reservist program.