Itinalaga ng Senado sina nakadetineng Senador Jinggoy Estrada at Senador Rodante Marcoleta bilang chairpersons ng kani-kanilang komite kasabay ng reorganisasyon ng mga komite para sa ikalawang regular na sesyon ng ika-20 Kongreso.

Pinamunuan ni Estrada ang Committee on Electoral Reforms, habang itinalaga naman si Marcoleta bilang chairperson ng Committee on Tourism.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, nananatili pa ring mga senador ang dalawa kaya may karapatan silang mabigyan ng committee assignments, at ang vice chairperson ang mamamahala sa komite kung wala ang chairperson.

Samantala, itinalaga ring deputy minority leader si Senadora Imee Marcos, habang nabigyan din ng mga bagong committee chairmanships ang iba pang senador bilang bahagi ng reorganisasyon ng Senado.