Kinumpirma ng mga otoridad na nakalalasong gas ang sanhi ng pagkasawi ng isang 16-anyos na binatilyo na na-trap sa loob ng 17-metrong lalim na balon sa Barangay Taga, Pinukpok, Kalinga.

Ayon kay Fire Inspector Romarico Dacuycuy III, acting municipal fire marshal ng Pinukpok Fire Station, nakalanghap ang biktima ng gas habang bumababa sa balon gamit lamang ang lubid at timba, kaya nawalan ito ng malay at tuluyang nahulog sa ilalim.

Napakalakas ng gas kaya kinailangan ng mga rescuer na gumamit ng breathing apparatus bago ma-retrieve ang bangkay matapos ang halos tatlong oras.

Kasama naman ng biktima ang kanyang kapatid sa ginagawang balon nang mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --