Nai-post ni Grace Magsilao Carag noong Linggo, Abril 7, 2019

Posibleng ang naiwang nakasaksak na rechargeable flashlight ang dahilan ng sunog sa isang bahay dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa salaysay ng biktima na si Felicidad Agustin, 79-anyos ng Brgy Centro 7 sa mga kapulisan ay tanging ang flashlight ang isinaksak nito sa kanyanag kwarto bago nagtungo sa kanilang kusina.

Habang nagkakape ay nagulat na lamang ang biktima ng makita ang makapal na usok mula sa kanyang kwarto.

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestihagan ng kawani ng pamatay sunog ang sanhi maging ang kabuuang halaga nang natupok ng apoy.