Nanawagan ng hustisya ang nag-iisang nakaligtas na anak matapos brutal na mapatay ang kaniyang ina at tatlo niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Latipan, Josefina, Zamboanga del Sur noong Hunyo 29.

Kinilala ang mga biktima na sina Arlene Dumalte at ang kaniyang mga anak na sina Nashel, 15-anyos; Inin, 13-anyos; at Arnel, 11-anyos. Ayon sa pulisya, pawang nagtamo ng maraming saksak ang mga biktima at pinaniniwalaang naganap ang krimen noong gabi ng Hunyo 27.

Itinuturing na pangunahing person of interest ang kinakasama ni Arlene na si “Mark,” na nasa kustodiya na ng pulisya matapos umanong umamin sa krimen sa isinagawang interogasyon.

Ayon sa mga awtoridad, ginamit umano nito ang isang patalim na itinapon sa bangin matapos ang insidente.

Patuloy namang umaasa ang naulilang anak na makakamit ang hustisya para sa kaniyang ina at mga kapatid habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

-- ADVERTISEMENT --