Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag si Senador Alan Peter Cayetano na humarap sa susunod na pagdinig ng tinawag niyang “tamang” Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa umano’y flood control scandal.

Ayon kay Matibag, kung nais siyang tanungin ni Cayetano, dapat itong dumalo sa nakatakdang hearing sa Lunes kung saan siya mismo ay inaasahang dadalo rin.

Giit ng NBI chief, bukas siya sa anumang pagtatanong ng senador, maging sa mga personal na detalye tulad ng kanyang paboritong kulay, sa harap ng opisyal na pagdinig.

Nauna nang kinuwestiyon ang legalidad ng ilang pagdinig matapos ang pagbabago sa liderato ng Senado noong Hunyo 3, kung saan nagkaroon ng reorganisasyon sa mga posisyon sa mataas na kapulungan.

Kasabay nito, pinalitan si Sen. Pia Cayetano bilang chair ng Senate Blue Ribbon Committee, habang si Sen. Erwin Tulfo ang itinalaga bilang bagong pinuno nito.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na umiinit ang isyu kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y flood control anomaly habang nagkakaroon ng banggaan sa pagitan ng ilang opisyal at mga miyembro ng Senado.