Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagbabago sa kultura ng mga Pilipino upang mas epektibong labanan ang korapsyon, kasunod ng mga kontrobersiya sa multi-bilyong pisong flood control projects.

Ayon kay Marcos, hindi sapat ang pagbabago sa sistema at burukrasya dahil kailangan ding maging bahagi ng kultura ang pagsunod sa batas at pagtanggi sa korapsyon.

Sinabi ng Pangulo na kailangang maging hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang korapsyon, bagama’t aminado siyang mas mahirap gawin ang pagbabagong pangkultura kaysa sa pagbabago ng sistema.

Samantala, hinikayat din ni Marcos ang mga business leader na mamuhunan sa Pilipinas, partikular sa teknolohiya at digital economy.