Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kredibilidad at mga pahayag ng 18 na umano’y dating Marines na sila ay nagdala ng cash sa ilang public officials at personalidad.

Sinabi ni NBI director Melvin Matibag, sinabi niya na deputized sila ng Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Matibag ang una nilang ginawa ay nagsagawa sila ng background checks sa mga nasabing indibidual dahil sa mga ulat na ang ilan sa kanila ay hindi miyembro ng Marine Corp, na natuklasan nila na ito ay totoo.

Sinabi ni Matibag sa katunayan, ang ilan sa kanila ay may mga kasong kriminal.

Bukod dito, sinabi ni Matibag na iniimbestihan din nila ang mga taong nasa likod ng paglantad ng mga nasabing indibidual at ang mga tao na nag-notaryo sa kanilang affidavit.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na inakusahan ni Atty. Levito Baligod at ang 18 ex-Marines ang maraming indibidual na tumanggap umano ng cash mula kay dating Congressman Zaldy Co.

Inihayag ni Matibag na may kapangyarihan ang Ombudsman na mag-deputize ng anomang ahensiya.

Ayon sa kanya, iimbestigahan nila ang reklamo at ang mga complainant.

Iginiit din ni Matibag na walang halong pulitika sa kanilang ginagawang imbestigasyon.