
Posibleng ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si DPWH Secretary Vince Dizon bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y anomalya sa pondo ng 2019 Southeast Asian Games, ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag.
Sinabi ni Matibag na layunin lamang ng posibleng pagpapatawag kay Dizon na makakuha ng karagdagang impormasyon at malinawan ang ilang usapin sa imbestigasyon.
Nilinaw rin niyang ang pag-isyu ng subpoena ay hindi nangangahulugang isa nang suspek ang isang tao.
Aniya, dati na ring inabswelto ng Office of the Ombudsman si Dizon kaugnay ng usapin sa mga itinayong pasilidad para sa SEA Games.
Samantala, itinanggi ni Matibag ang alegasyon ng ilang senador, kabilang sina Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano, na may kaugnayan ang timing ng imbestigasyon sa kanyang pagharap bilang testigo sa Senate Impeachment Court sa susunod na linggo.










