Patuloy ang dominasyon ng National Capital Region (NCR) sa Palarong Pambansa 2025 matapos nitong manguna sa pinakabagong partial and unofficial medal tally na inilabas ngayong Mayo 29.
Nakapagtala ang NCR ng kabuuang 151 medalya—binubuo ng 73 gintong, 51 pilak, at 27 tansong medalya.
Sumusunod sa pangalawang puwesto ang Region IVA-CALABARZON na may kabuuang 114 medalya (30 ginto, 44 pilak, 40 tanso), habang nasa ikatlong puwesto naman ang Region VI-Western Visayas na may 84 medalya (24 ginto, 33 pilak, 27 tanso).
Samantala, nasa ikalabing-anim (16) na puwesto ang Region II-Cagayan Valley na may kabuuang 20 medalya—2 ginto, 4 pilak, at 14 tanso.