TUGUEGARAO CITY-Idineklara ng Barangay Tamucco, Sto.Niño, Cagayan na Persona Non Grata ang mga miembro ng New People’s Army

Ito ay sa ilalim ng inaprubahang resolusyon sa pamamagitan ng Barangay Peace and Order Council.

Nakasaad sa resolution na ayaw na ng mga mamamayan ng Tamucco ang ginagawang karahasan at pananakot ng mga NPA sa kanilang lugar.

Kaugnay nito,natuwa ang militar sa naging desisyon ng mga barangay officials ng Tamucco.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Lt.Col.Jesus Pagala, commanding Officer ng 17th Infantry Batallion na maaaring nakita ng mga mamamayan ng barangay na walang pag-unlad sa kanilang lugar dahil sa presensiya ng rebeldeng grupo.