Umapela ng tulong kay Pang. Ferdinand Marcos, Jr. si Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito kasunod ng naging pinsala ng supertyphoon Pepito.
Ang naturang kahilingan ay ipinarating ng gubernador sa mga opisyal ng Presidential Management Staff.
Matatandaan na inihayag ni PDRRMO Head King Webster Balaw-ing na malaki ang iniwang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng nagdaang bagyo.
Itoy bukod pa sa pitong kumpirmadong namatay at tatlo ang nasugatan dahil sa landslide sa Ambaguio.
Pinag-uusapan na rin ang pagsasailalim sa buong probinsya sa state of calamity.
-- ADVERTISEMENT --