Asahan ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa diesel at gasolina ngayong linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na iniuugnay sa muling paglala ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Batay sa paunang pagtaya ng oil industry sources, maaaring tumaas ng hanggang P1 kada litro ang presyo ng diesel, habang posibleng umabot sa P2 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Matatandaang nakaranas ng malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo matapos ang paglagda sa ceasefire agreement ng Estados Unidos at Iran, na nagbigay ng pansamantalang ginhawa sa mga motorista.

Gayunpaman, muling nagkaroon ng pangamba sa suplay ng langis matapos ang panibagong pag-atake ng U.S. sa Iran bilang tugon umano sa isang Iranian drone strike sa isang cargo ship sa Strait of Hormuz.

Karaniwang inaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang ang bagong paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo pagsapit ng Martes.

-- ADVERTISEMENT --