TUGUEGARAO CITY- Nasa kostodiya ng PNP sa Gonzaga, Cagayan ang isang frontliner at negosyante na nahuli dahil sa tangkang pagpupuslit ng mga alak kahapon.

Sinabi ni PMAJ. Joefferson Gannaban ng PNP Gonzaga, bago mahuli sina Ernan Cariño, nursing aid at Jimmy Mangahas, negosyante ay sinita sila sa isang checkpoint.

Subalit habang binubusisi ng pulis ang kanilang sasakyan ay bigla nila itong pinaharurot.

Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa tumigil sila sa bahagi ng Brgy. Pateng na walang kabahayan.

-- ADVERTISEMENT --

Dito umano ibinababa ng dalawa ang 20 boxes ng alak

Bukod sa mga ibinababang alak ay nakuha sa sasakyan ng dalawa ang 26 boxes pa ng alak na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P50,000.

Ayon kay Gannaban, sinabi ng dalawa na galing umano sa isang groserya sa Tuguegarao City ang mga nasabing alak at dadalhin sana sa Sta.Ana.

Dahil dito, sinabi ni Gannaban na aalamin nila kung saang groserya binili ang mga nasabing alak upang ito ay mapatawan ng kaukulang parusa dahil sa umiiral na liqour ban.