Tinatayang nasa humigit-kumulang P700K na halaga ng iligal na paputok na lulan ng isang closed van ang nasabat sa police checkpoint sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Ayon kay PMAJ Jose Cabaddu, Jr, hepe ng PNP-Amulung, pasado alas-10:00 ng umaga nang maharang sa checkpoint sa Brgy. Estafania, ang puting izuzu closed van.

Sa pag-usisa ng mga otoridad kaugnay sa ipinakitang dokumento ng driver at dalawang helper na pawang mga residente sa Isabela, ay nakitang hindi akma ang resibo sa aktwal na laman ng naturang van.

Dagdag pa ni Cabaddu, hindi rin aniya otorisado ang consignee na magbiyahe ng mga paputok mula Santiago City, Isabela patungong Amulung, Cagayan.

Kabilang sa mga nakumpiska ng pulisya na ibat-ibang uri ng pyrotechnics ay ang judas belt, kwitis, lusis at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nakasuhan na ng paglabag sa Repubclic Act 7183 o mas kilala bilang “Firecracker Law” ang tatlong suspek.