Inihayag ng Malacañang na walang pag-uusap tungkol sa muling pagsapi ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing ngayong araw.

Umatras ang bansa sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, noong 2019 kasunod nang simulan ng lupon ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyon ni Duterte.

Samantala, binuweltahan ni Castro si Vice President Sara Duterte sa sinabi nitong kidnapping ang ginawa sa kanyang ama na si Rodruigo Duterte kahapon.

Binigyang-diin ni Castro na walang nangyaring kidnapping dahil may warrant of arrest laban sa dating pangulo.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ni Vice President Duterte na walang legal basis ang pagdadala sa kanyang ama sa The Hague, Netherlands.