Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang posibilidad na buwagin ang Sangguniang Kabataan (SK) dahil sa patuloy na pagbaba ng partisipasyon ng mga kabataang opisyal.

Ayon sa kanya, nahihirapan ang ilang SK officials na magampanan ang kanilang tungkulin dahil sa pag-aaral, trabaho, at iba pang responsibilidad. Iminungkahi rin niya ang posibilidad ng direktang pagtatalaga ng SK chair at mabilis na pagpapalit ng mga hindi aktibong miyembro, ngunit nilinaw niyang ito ay personal na pananaw lamang.

Samantala, hiwalay na aksyon din ng DILG ang pagsuspinde sa dalawang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson sa Makati City matapos mapatunayang nagkasala ng misconduct.

Ang unang opisyal ay sinuspinde ng anim na buwan dahil sa umano’y paghingi ng 20% kickback at pamemeke ng lagda ng SK secretary, habang ang ikalawa ay sinuspinde ng tatlong buwan dahil sa pagsusumite ng mga dokumentong may pekeng pirma ng isang kagawad na nasa ibang bansa.

Kasalukuyang nahaharap ang mga nasabing opisyal sa mga reklamong graft, bribery, at falsification of public documents sa Office of the Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --