Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa potential na magkaroon ng napakalakas na lindol bunsod ng serye ng mga pagyanig sa baybayin ng Ilocos Sur kamakailan na natukoy mula sa paggalaw ng Manila Trench.
Ayon sa PHIVOLCS, ang mga pagyanig malapit sa bayan ng Santa Catalina, ay nagpataas ng posibilidad ng worst-case scenario na magnitude 8.4 na lindol mula sa paggalaw ng nasabing segment ng Manila Trench.
Sa tsunami simulation, hinati ng PHIVOLCS ang Manila Trench sa apat na segment para mas maigi na malaman ang panganib.
Batay sa simulation, maaaring makalikha ng mula tatlo hanggang 15 metro na taas ng tsunami ang magnitude 8.4 na lindol.
Sinabi ng PHIVOLCS kapag nakalikha ito ng tsunami, ang unang alon ay makakarating sa baybayin ng mga probinsya ng Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, at Cagayan sa loob ng dalawa hanggang 15 minuto. Samantala, ang taas ng alon ay maaaring umabot ng tatlo hanggang 15 metro,” PHIVOLCS stated.
Batay sa kalkulasyon ng PHIVOLCS, posibleng magtatagal ang tsunami ng dalawang minuto sa Palauig, Zambales.
Ang pinakamataas naman na alon ay posibleng umabot sa 14.7 meters na posibleng tatama sa Vigan, Ilocos Sur.
Buhat noong 4:02 a.m. noong December 17, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 49 na lindol sa baybayin ng west-northwest ng Santa Catalina.
Ang lakas ng mga nasabng lindol ay mula 1.8 hanggang 5.0.
Ang mga nasabing lindol ay mula umano sa paggalaw ng Manila Trench, ang ocean trench na matatagpuan sa kanluran ng Pilipinas na may lalim na hanggang 5,400 meters.
Sa kabila ng mga natuklasan, iginiit ng PHIVOLCS na ang mga lindol at tsunami ay hindi masasabi kung kailan mangyayari.
Nanawagan ang ahensiya sa lahat na maging alerto at pakiramdaman at tignan ang mga senyales ng potential tsunami.
Sinabi ng PHIVOLCS na oras na may maganap na malakas na paglindol na halos hindi na makatayo ang mga tao at may biglaang pagbaba ng tubig sa karagatan o kaya ay makarinig ng ugong mula sa karagatan ay mas mainam na lumikas sa mas mataas na lugar lalo na ang mga nakatira sa tabing-dagat.