
Iginiit ni Senador Joel Villanueva na walang sinumang Pilipino sa anumang estado ng buhay ang dapat na maiwan sa paglaban ng oil crisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Kasunod nito, umapela siya sa Department of Labor and Employment na ikonsidera ang paggamit ng ‘Work From Home Law’ sa mga pribadong sektor upang makatipid ang mga ito.
Pagpapaliwanag niya, kung matutulungan ng pamahalaan ang mga Pilipino sa kanilang pasanin ngayon ay makakatulong din ito sa ekonomiya at pagsuporta sa mga maliliit na negosyo.
Ayon pa sa senador, mahalagang matutukan ang pagtulong sa mga ito dahil may iilang pamilya ang hindi na kaya pa ang nagaganap na pagtaas ng presyo ng bilihin.










