
Sinimulan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na Chief Justice ng Supreme Court, kapalit ni CJ Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro sa Nobyembre.
Ayon sa JBC, bibigyan ang mga aplikante ng hanggang Oktubre 13 upang magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng online application system.
Dadaan sa masusing screening ang mga aplikante kabilang ang pagsusuri ng kanilang mga dokumento, background check, at public interview bago bumuo ng shortlist na isusumite kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa ilalim ng Saligang Batas, may 90 days ang Pangulo mula sa opisyal na pagkabakante ng posisyon upang pumili at magtalaga ng bagong Chief Justice mula sa listahan.
Sa naging karanasan sa pagtalaga kay CJ Gesmundo noong 2021, umabot ng humigit-kumulang tatlong buwan ang buong proseso mula sa pagbubukas ng aplikasyon hanggang sa pagtatalaga.
Ilang araw lamang matapos maging bakante ang posisyon, itinalaga siya bilang Chief Justice noong Abril 5, 2021.
Paalala ng JBC, mahigpit ang requirements para sa mga aplikante at kinakailangang kumpleto at tama ang lahat ng isusumiteng dokumento, dahil maaaring maging dahilan ng diskwalipikasyon ang anumang kakulangan.






