Hindi nagbigay ng katiyakan si speaker at Leyte representative Martin Romualdez kung maaaprubahan ang panukalang P200 na pagtaas sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor bago matapos ang ika-19 Kongreso sa Hunyo 13.

Nang tanungin ukol dito, ang sagot niya ay “Well, we’ll see.”

Ang bersyon ng Kamara ay mas mataas ang alok kumpara sa P100 na pagtaas na inaprubahan na ng Senado sa third reading.

Ngunit sa ngayon, ito ay nasa committee level pa lamang sa Kamara.

Dahil magkaiba ang bersyon ng Kamara at Senado, kailangang magpulong ang Bicameral Conference Committee upang pag-isahin ang mga panukala bago ito maipasa sa Pangulo para pirmahan.

-- ADVERTISEMENT --

Kung hindi maipasa bago mag-Hunyo 13, kailangan itong muling i-file sa susunod na Kongreso sa Hulyo 28.

Samantala, nanawagan ang National Wage Coalition na agad na aprubahan ang P200 wage hike bilang makatarungan at kinakailangang hakbang para sa mga manggagawa na karamihan ay walang unyon at collective bargaining agreement.

Ayon sa kanila, ang pagtaas ng sahod ang tanging pag-asa upang matulungan ang mga manggagawa na labis na naghihirap sa kasalukuyang kalagayan