Pinalalahanan ng Bureau of Fire Protection sa bayan ng Piat ang publiko Lalo na sa mga magsasaka na mahigpit nang ipinagbabawal ang nakagisnang pagsusunog ng mga agricultural waste.

Ayon kay SFO4 Julius Diego, firemarshal ng BFP-Piat na ito ay alinsunod sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at ang Executive Order na pirmado ni Mayor Leonel Guzman.

Maaaring pagmultahin ang sinumang lalabag sa RA 9003 ng P300 hanggang P1K at pagkakakulong ng isa hanggang 15 days habang para sa RA 8749 o ang Clean Air Act ay pagmumultahin ng P10K o hindi hihigit sa P100K at pagkakakulong ng anim na taon.

Hinihikayat naman ang 18 barangay ng Piat na i-adopt ang naturang kautusan ng alcalde sa pamamagitan ng isang Barangay resolution.

Matatandaan na nakaugalian na sa bayan ng Piat ang pagsusunog ng tubo o sugarcane para ito ay malinis bago anihin at bilang paghahanda sa susunod na planting season.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa masamang dulot nito sa kalusugan ng tao at kapaligiran ay nagiging dahilan din ito ng grassfire kung saan nasa humigit kumulang 15 insidente na ng grassfire ang nirespondehan ng BFP sa naturang bayan.