Pinuri ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Egon Cayosa ang pagtanggal ng system loss charge sa singil sa kuryente na binanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA, ngunit iginiit na kulang ito at kailangan ang mas malalim na reporma sa ilalim ng EPIRA Law.

Ayon kay Cayosa, 25 taon nang problema ang system loss charge at ngayon lamang ito tinugunan ng isang Pangulo.

Bagamat welcome ang hakbang, dapat na sundan ito ng pagbabago sa monopolyo ng mga power provider na siyang dahilan kung bakit ang Pilipinas ang may pinakamahal na kuryente sa buong Southeast Asia.

Binigyang-diin niya na ang mataas na presyo ng kuryente ay nagiging disincentive sa mga dayuhang mamumuhunan at malaking pasanin sa mga mahihirap na Pilipino.

Samantala, binigyan ni Cayosa ng markang 8 out of 10 ang SONA sa pagtugon sa agarang pangangailangan ng mamamayan, ngunit 2 out of 10 lamang pagdating sa long-term structural reforms tulad ng Freedom of Information, anti-dynasty law, at reporma sa budget process.

-- ADVERTISEMENT --

Sa usapin ng katiwalian, nabanggit ang mga nahuli ngunit nakalulungkot daw ang kawalan ng aksyon sa ibang opisyal na may malapit na ugnayan sa palasyo.

Positibo naman si Cayosa sa rocket test sa Cagayan, at Pax Silica hub ngunit dapat matiyak na magkakaroon ng technology transfer mula sa dayuhang mamumuhunan nito para sa mga Pilipino nang hindi isinasakripisyo ang ating kapaligiran