Nakumpleto na ng pamahalaan ang pamamahagi ng Patient Transport Vehicles o PTVs sa lahat ng 82 probinsya sa bansa.

Sa turnover ceremony sa San Fernando, Pampanga, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng 34 na karagdagang PTVs para sa mga lokal na pamahalaan sa Northern at Central Luzon, na nagsilbing huling batch sa nationwide distribution.

Ayon sa Pangulo, maaaring gamitin nang walang bayad ang mga sasakyan sa pagdadala ng mga pasyente papunta at pabalik ng mga ospital at iba pang health facility.

Bawat unit ay may mga pangunahing kagamitang medikal tulad ng stretcher, wheelchair, oxygen system at first aid kit.

Sinabi rin ng Presidente na susunod na ipamamahagi ng pamahalaan ang mga patient transport boats para sa mga isla at iba pang lugar na hindi naaabot ng mga sasakyan panlupa, upang mapabilis ang pagdadala ng mga pasyente sa oras ng emergency.

-- ADVERTISEMENT --