Inilarawan ng Pangulo ng Iran na si Masoud Pezeshkian ang banta ng Estados Unidos na atakihin ang mga planta ng kuryente ng bansa bilang senyales ng desperasyon, habang nagpapatuloy ang mga pag-atake sa rehiyon ng Middle East.

Ayon sa ulat, noong Sabado ay nagbanta si dating Pangulong Trump na “obliterate” o wasakin ang mga planta ng kuryente ng Iran kung hindi agad bubuksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras, na isang kritikal na ruta para sa pandaigdigang transportasyon ng langis.

Kasabay nito, naglunsad ang Israel ng serye ng pag-atake sa kabisera ng Iran, at sinagot ito ng bansa sa pamamagitan ng missile strike. Umabot sa higit 160 ang nasugatan sa timog Israel dahil sa mga missile, na tinatarget umano ang isang nuclear facility na 13 kilometro mula sa bayan ng Dimona.

Nagpatuloy rin ang tensyon sa rehiyon matapos sabihing na-intercept ng Saudi Arabia at United Arab Emirates ang ilang missile attack kaninang umaga.

Ani Pezeshkian, bukas pa rin ang Strait of Hormuz para sa lahat maliban sa mga lumalabag sa teritoryo ng Iran, habang nananatiling mataas ang antas ng alerto sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --