
Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na nasa Office of the Ombudsman na ang usapin tungkol sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa kanyang pinsan na si dating Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Martin Romualdez.
Ayon kay Marcos, wala siyang impormasyon kung kailan maisasampa ang kaso dahil hindi siya bahagi ng imbestigasyon ng Ombudsman at wala rin siyang alam sa iskedyul nito.
Sinabi ng Pangulo na maaari niyang tawagan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla upang humingi ng update tungkol sa kaso.
Nauna nang sinabi ni Marcos sa kanyang 2026 State of the Nation Address na inaasahan ang pagsasampa ng kaso laban kay Romualdez kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.
Samantala, sinabi ni Romualdez na iginagalang niya ang pahayag ng Pangulo sa kabila ng epekto nito sa kanilang pamilya.










