Nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Filipino community sa New Delhi, India kagabi bilang bahagi ng pagsisimula ng kaniyang state visit.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na inaasahang magbubukas ng bagong yugto ang ugnayan ng Pilipinas at India sa pamamagitan ng paglagda ng Strategic Partnership.

Ayon sa Pangulo, malawak ang oportunidad sa India—na itinuturing na ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa mundo, kaya’t target niyang makaakit ng mas maraming pamumuhunan para makalikha ng trabaho.

Nakatakda ring lagdaan ang Social Security Agreement sa pagitan ng Pilipinas at India para sa karagdagang proteksyon ng mga Pilipinong naririto sa India.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang bawat pagbisita niya sa ibang bansa ay nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --