
Itinaas sa P20 milyon ang pabuya sa makapagtuturo sa pinagtataguan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Secretary Jonvic Remulla na layunin nitong mapabilis ang paghahanap sa puganteng si Ang.
Ang pabuya ay reward ay manggagaling sa confidential funds ng Philippine National Police (PNP) at DILG.
Iginiit ni Remulla na dapat nang mahuli at mapanagot si Ang upang pagbayaran ang krimeng ginawa nito.
Si Ang ay nahaharap sa kasong pagpatay kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
-- ADVERTISEMENT --






