
Naniniwala si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na ‘naapektuhan’ na raw si Pangulong Bongbong Marcos sa pagbaba ng ratings nito.
Ito raw ang dahilan kung bakit ‘inutusan’ daw ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsampa ng panibagong ethics complaint laban sa kaniya.
‘Inutusan ni Marcos ang NBI na mag file ng Ethics Complaint laban sakin, mukhang naapektuhan siya sa pagbaba ng trust ratings niya’ sabi ni Barzaga sa isang Facebook post.
Ngayong umaga, nagtungo sa House of Representatives si NBI Director Atty. Melvin Matibag para magsampa ng reklamo laban sa kaniya.
Sabi ni Matibag, nag-ugat ang reklamo sa mga posts ni Barzaga kung saan ay inaaksuahan ang NBI na ‘di umano ay may tangkang assassination nang magkagulo sa Senado noong naroon pa si Senador Bato dela Rosa.
Malibang sa ethics complaint, sinabi pa ni Matibag na inaaral na rin nila ang kasong kriminal laban sa kongresista para naman sa inciting to sedition.










